LRT line 1 normal na ang operasyon

BALIK-NORMAL na ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos na ilang oras na malimitahan ang biyahe dahil sa pagsu-suicide ng isang babae kaninang madaling araw.

Ito ang inanunsyo ni LRT Authority spokesman Hernando Cabrera sa kanyang Twitter account matapos sabihin na ang mga tren ay kinakailangan mag-skip sa ilang istasyon sanhi ng nasabing insidente.

“LRT-1 full line operation (has been) restored,” pahayag ni Cabrera.

Nauna rito, sinabi Cabrera na ang bangkay ng isang babae na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa daraanan ng parating na LRT coach ay natanggal na sa riles.

Naganap ang insidente dakong 5:50 ng madaling araw sa LRT-1’s Epifanio delos Santos Avenue (Edsa) station sa southern Metro Manila.

Dahil sa insidente, maraming pasahero na sumasakay sa LRT-1 ang na-stranded at pinili na lamang na sumakay sa kalsada tulad ng taxi o bus.

Kasunod ng insidente, sinabi ni Cabrera na ang operasyon ay nalimitahan mula Central Station hanggang sa Roosevelt at pabalik, at idinagdag na walang biyahe mula Baclaran hanggang Central at pabalik.

Nakakonekta ang LRT-1 sa istasyon sa Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa southern Metro Manila. Ang Central station ay nasa Manila, malapit sa City Hall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply