LRT2 balik-operasyon na matapos kidlatan

DAKONG alas-3:18 ng hapon naibalik ang normal na operasyon ng LRT Line 2 matapos kidlatan kaninang umaga, ayon kay Evelyn Paragas, hepe ng Public Information Office ng LRTA.

Kaninang umaga pansamantalang ipinatigil ang biyahe ng LRT2 nang tamaan ng kidlat ang linya sa bahagi ng Santolan Station.

Nabatid na tinamaan ng kidlat ang catenary line sa reversing area ng Santolan Station dakong alas-11:10 ng umaga kaya’t napigil ang pagbalik ng tren na patungo naman ng Recto Station.

Ayon sa tagapagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na si Atty. Hernando Cabrera, kinakailangan munang makumpuni ang linya na tinamaan ng kidlat bago maibalik sa normal na operasyon ang biyahe ng kanilang LRT Line 2 mula Recto hanggang Santolan.

Sinabi ni Cabrera, naapektuhan ang Track No. 3 ng Santolan Station reversing area kaya’t hindi makabalik ang mga tren na galing dito patungo ng Recto Station.

Dahil dito, kinakailangang putulin pansamantala ang operasyon sa Santolan at Katipunan stations.

Tuloy naman ang biyahe mula Recto hanggang Anonas Station, balikan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply