Lubak-lubak na daan ni Rodriguez Mayor Hernandez

ANO ba itong reklamo ng isang mamamayan ng Rodriguez (formerly Montalban), Rizal na lubak-lubak na kalsada sa mga kanayunan at hindi raw binibigyan ng pansin ng magiting na alkalde ng nasabing bayan sa  Rizal?

Ano ba ang ginagawa ninyo, Rodriguez Mayor Cecilio Hernandez, sa inyong tanggapan?

Hindi ba ninyo naririnig  o kaya nakikita ang lubak-lubak na mga kalsada sa inyong bayan?

Aba’y, Mayor Hernandez, sayang ang pinasasahod sa inyo ng mga constituent niyo kung patuloy kayong magtutulog-tulugan sa opisina niyo.

Eto, Mayor Hernandez, basahin ninyo ang text message ng inyong isa sa mga kababayan.

Boss John, good am po. Ako po ay isang masugid  ninyong  reader  sa inyong kolum na Juan De Sabog ng Remate. Batid ko na sa pamamagitan ng inyong kolum  ay maraming mga problema ng sambayanan ang nalulutas sa inyong panawagan.

Please,  puwede  po ba ninyong kalampagin ang bulok na alkalde ng aming bayan sa Rodriguez,Rizal  na si Mayor Cecilio Hernandez dahil sa wala siyang ginagawang aksyon sa mga lubak-lubak na kalsada sa kanayunan ng  Rodriguez, Rizal.

Partikular na sa P.N.M at gayun din ang truck ng basura ay halos buwanan kung umikot dito sa lahat ng barangay kaya sako-sako na ang mga basura na dahilan ng pamamaho nito.

CASINO KING NG BAGUIO PADER

Hanggang ngayon ay untouchable pa rin ang tinaguriang “Casino King” ng Baguio City na si alyas Patrick. Lintik ang pagiging untouchable ng gambling operator nitong si Patrick dahil sa mismong mga taga-NBI,PNP at Gab ang siyang mga umaalalay sa kanyang sugalan.
Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764 at 0926671-9269 o i-email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply