‘Lucky 13’ senators lang dumalo sa Senate session

UMABOT lamang sa 13 senador ang nakadalo sa ginanap na sesyon nitong Miyerkoles sa Senado sanhi nang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan kaya’t maaga din na pinatigil ang deliberasyon at pinauwi ang empleado at opisyal sa Mataas na Kapulungan.
Pinangunahan ni Senate President Juan Ponce Enrile, kabilang sa dumalo sa sesyon sina Senador Joker Arroyo, Francis Escudero, Franklin Drilon, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Jinggoy Estrada, Vicente Sotto III, Lito Lapid, Loren Legarda, Ramon Revilla Jr., Sergio Osmena III at Antonio Trillanes IV.

Nakaliban naman sina Senador Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Manny Villar, Ralph Recto, Francis Pangilinan, Aquilino Pimentel III, Ferdinand Marcos Jr., at Teofisto Guingona III.

On sick leave naman si Senator Miriam Defensor-Santiago at on official mission naman si Senador Edgardo Angara sa abroad.

Ayon kay Enrile, ipinatawag niya ang sesyon upang tugunan ang mga nakabinbin na panukala sa Senado na kailangan ng bansa at maipakita sa taumbayan na sa kabila ng pagbaha, kailangan silang kumilos alinsunod sa kanilang tungkulin.

“We have attend to pending matters that we have, we should show to the people that despite adversity and calamity, we as leader, we have to go through the floods in order to serve,” ayon kay Enrile.

Ngunit, dalawang pagdinig naman ng komite ang kinansela ng Senado partikular ang inisyal na deliberasyon ng P2 trilyong 2013 national budget ng Development Budget Coordinating Council (DBCC) at Senate committee on trade and commerce hinggil sa pagtaas ng bilang ng fraudulent electronic transactions.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply