Lumutang na testigo susi sa kaso ng pinatay na si Doc Gerry Ortega

MALAKI ang maitutulong ng lumutang na testigo sa pagpatay sa Palawan broadcaster na si Doc Gerry Ortega sa diumano’y pag-alis sa bansa ng magkapatid na suspek na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at Coron, Palawan Mayor Marjo Reyes.

Una rito, iprinisinta sa media ng Whistleblowers Association of the Philippines ang nagpakilalang driver ng Immigration Officer na si Rodel Udarbe na siya umanong sumundo sa magkapatid na Reyes sa Pasay City bago lumipad ang mga ito patungo ng Vietnam noong March 18, 2012.

Ayon kay Mica Ortega, anak ng pinaslang na broadcaster na lumalabas na talagang may guilt o kinalaman ang mga Reyes sa pagpatay sa kanyang ama kaya tumakas ang mga ito at hindi hinarap ang kaso.

Magkagayunman, sinabi ni Mica na hihintayin pa nila ang pinal na resulta ng imbestigasyon ng Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration kaugnay ng napaulat na pagtakas nina Joel at Marjo Reyes.

Pero sakali umanong totoong ngang nakaalis ang dalawa ng bansa, umaapela si Mica sa mga kinauukulan na gumawa ng paraan para mabilis na madakip ang mga suspek saan mang panig ng mundo sila nagtatago ngayon.

Una nang napaulat na ginamit umano ni Joel Reyes ang pasaporteng may pangalang Joseph Lim Pe sa kanyang pag-alis sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply