Luzon, Kanlurang Visayas, apektado pa rin ng habagat

PATULOY pa rin makararanas ng ulan ang Luzon at Kanlurang Visayas dahil sa umiiral na hanging habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Luzon at Kanlurang Kabisayaan ay makararanas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na magiging maulap na may malawakang mga pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Luzon.

Makararanas naman ng madalas na maulap na papawirin na may pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Kalakhang Maynila.

Tinataya namang maglalaro ang temperatura sa agwat na 25 hanggang 31 antas ng celsius.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply