Ma. Lourdes Sereno, bagong SC chief justice

SI Ma. Lourdes Sereno ang napili ni Pangulong Benigno Aquino III bilang bagong chief justice ng Supreme Court (SC.)

Si Sereno ang kauna-unahang babaeng naluklok bilang Punong Mahistrado at ika-24 chief justice ng Korte Suprema, kapalit ng napatalsik na si dating Chief Justice Renato Corona.

“In the midst of this period of deep mourning for the loss of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, the President is cognizant of his constitutional duty to appoint the next chief justice of the Philippines. He has therefore decided to appoint Associate Justice Maria Lourdes Punzalan Aranal-Sereno as the 24th Chief Justice of the Supreme Court,” ayon sa pahayag na inilabas ng  Office of the Presidential Spokesperson.

Si Sereno rin ang kauna-unahang appointee ni Pangulong Aquino sa SC na uupo sa SC bilang chief justice ng hanggang 18 taon .

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply