Ma-PR at walang ere!

HANGA kami kay Enchong Dee dahil ma-pr, mabait at kahit hinihila na ay pinagbigyan ang press na interbyuhin siya after ng presscon ng Reunion na palabas sa August 15. Hindi siya nagdamot at very vocal sa nararamdaman kay Julia Montes.

Pero positive tuloy ang dating ng Reunion dahil very honest sina Enchong at Julia at hindi sila nagpaeklay.

Bagamat magkasama sila sa movie, hindi naman sila magkapartner. Si Enchong ay maghahabol kay Cristine Reyes. Ara ang name  ni Cristine sa reunion pero hindi raw sinadya ‘yun.

Nagso-shoot na raw noon bago pa man mag-away ang magkapatid. Pero ewan lang kung si Cristine ang makakatuluyan ni Enchong sa ending dahil may lihim na pag- mamahal sa kanya si Jessy Mendiola. Si Julia naman ay kapartner ni Enrique Gil.

Pabor naman si Enchong na hindi sila magkapartner sa anumang proyekto ni Julia.

“As much as possible, kung pwede at kung ako ay papayagan, mas maganda kung hindi kami magkatrabaho ni Julia. Pakiramdam ko lang naman,” nangingiti niyang pahayag.

Ilang months o taon na ba na nagpapahiwatig siya kay Julia?

“To be honest, it just happens, e. Parang hindi naman talaga bibilangan. Kailangang magsisimula ako ngayon tapos bibilangin ko. Matagal na, hayun,” bulalas niya.

Tumindi ba ang feelings?

“Oo naman,” pagtatapat niya sabay kanta.

Bakit napabalitang nag-away sila?

“Siguro ‘yun din ang matinding dahilan kung bakit mas maganda kung tahimik lang, walang masyadong sinasabi sa showbusiness. Kasi parang hindi pa man, pinaghihiwalay na kayo. Siguro ini-spice up lang kung ano’ng meron kami,” sambit ni Enchong.

“Wala. Wala. Okey kami,” hirit pa niya.

“Hindi naman kailangang mahirapan kasi kumbaga, hindi naman kasali ‘yung ibang tao sa relasyon nyo. Kumbaga, kayong dalawa lang, e,” dagdag pa niya.

Ano ang real score dahil sabi niya masaya siya?

“Ilang months na lang ba? O, seven months na lang,” sagot niya na tumutukoy sa pagde-debut ni Julia. Sabi kasi ng lola ng young actress, puwede na itong magkaboyfriend pag 18 na.

Aamin na sila pag 18 na si Julia?

“Nakadepende sa kanya kung ano pa ang kailangan kong gawin. Hindi pa nga kami. Wala pa nga kami. Maya, nababalita ng nag-break, di ba?,” sey pa niya.

Pero nanliligaw na ba siya kay Julia?

“Nagpapahiwatig siyempre,” aniya pa.

Hindi ba siya kinausap ng mommy niya o lola niya na ganito ang patakaran… dadalawin si Julia sa bahay?

“Hindi, e! Wala naman. Masuwerte ako na hindi ganoon,” natatawa pa niyang sambit.

Anyway, aarangkada na sa August 15 (Wednesday) ang pinakahihintay na ultimate barkada movie event ng taon mula sa Star Cinema, ang The Reunion na pinagbibidahan ng apat sa pinakasikat at pinakatinitiliang young actors nga -yon na sina Enchong Dee, Enrique Gil, Kean Cipriano, at Xian Lim.

“Ipakikita rito ang journey ng isang high school barkada na nagkita-kita muli matapos ang maraming taon upang hanapin ang kanilang mga sarili at pati ‘yung mga dating nasaktan at minahal nila,” sabi ng direktor ng peli- kula na si Frasco Mortiz.

“May ginawa kasi silang kasalanan noong high school at feeling nila kaya hindi pa sila nakapag-mo-move on sa buhay nila ngayon ay dahil sa mga nangyaring ‘yun.”

Kasama rin sa Reunion sina Jessy Mendiola, Meagan Young, Bangs Garcia, at Julia Montes.

Tsuk!

-0o0-

BIRTHDAY ni Dingdong Dantes nu’ng August 2 pero gusto niyang tahimik itong i-celebrate. Ayaw na niyang magkaroon pa ng party presentation maging sa Party Pilipinas.

Kumpirmadong kasama niya sa kanyang birthday trip with his family sa abroad. Ngayong Sunday ay babalik din siya dahil start na ang live show na Protege.

Bilib kami sa numero unong actor ng GMA 7 dahil may kinapupuntahan ang  kanyang kinikita. Hindi na siya maghi- hirap kahit mawala man siya sa showbiz.

32 na siya nu’ng August pero ang dami na niyang negosyo. Pati pagpo-prodyus, talagang sineryoso na niya.

After Segunda Mano, nasundan na ito ng TIKTIK: THE ASWANG CHRONICLES na palabas sa October 17. Malaki ang nagastos ni Dingdong under Agustodos Pictures kung saan ay kasosyo niya ang Reality Films, Manila Post at GMA Films. Hightech ang movie na ito na kung saan ay walang outdoor. Sa isang studio lang na ginawan ng bahay.

Kasama sa pelikula ni Dong sina Lovi Poe, LJ Reyes atbp. Ito’y sa direksyon ni Erik Matti.

Sobrang expenses ang naturang pelikula na kung saan ay may komiks pa. At sa Thailand pa ginawa ang sound ng movie.

Nasa hustong gulang na si Dingdong para lumagay sa tahimik pero kailan pa kaya sila magpapakasal ni Marian? Paano na ‘yung gusto niya nu’ng araw na hindi malayo ang edad niya sa magiging anak niya?

Ang malinaw lang ngayon, walang balak si Dingdong na pumasok sa politics ngayong 2013.

Pak!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply