Maayos na paglilibingan, hiling ng kaanak na namatayan sa landslides

ISANG malaking problema ang kinakaharap ngayon ng mga kaanak ng siyam na namatay sa landslides dahil bukod sa wala na silang matitirahan ay problemado sila ngayon kung paano mabibigyan ng maayos na paglilibingan ang mga biktima na pawang nasawi sa landslides sa kasagsagan ng paghagupit ng Habagat  noong Martes sa Quezon City.

Sinabi ni Jessie Baylon, ang ama ng pamilya, bagamat marami silang natatanggap na tulong mula sa ilang tao at pulitiko pero problemado siya sa paglilibingan ng kanyang mga nasawing kapamilya.

Ayon kay Baylon, balak ng mga barangay official na ilibing ang kanyang mga kaanak sa Bagbag Cemetery. Aniya, nakakaawa naman at napakahirap kung doon ililibing ang mga ito.

Problema rin nila ang kanilang tutuluyan kapag nailibing na ang kanyang mga kaanak dahil nasira na ng landslide ang kanilang bahay.

Matatandaang nasawi noong Martes ang siyam na miyembro ng pamilya Baylon matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay sa Lower Bayanihan Street sa Barangay Commonwealth,QC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply