Madiskarteng Pinay nurses, tumulong sa napa-anak na OFW sa eroplano

NAPATUNAYAN ang galing sa diskarte ng mga Pilipinong narses ng biglang mapaanak ang isang 6 1/2 buwang buntis na Pilipinang OFW sa loob ng eroplanong sinasakyan nito habang nasa himpapawid.

Kahit walang sapat na kagamitan , nagawan ng paraan ng dalawang nars na kinilalang sina Karen Caballes Santos at Edith David , na ayusin ang kalagayan ng sanggol na isinilang ng isang Gng. Violeta ,matapos itong mapaanak sa loob ng CR ng Emirates flight 332 na papuntang Maynila galing ng Dubai.

Ayon sa nars na si Karen Caballes , napuna na niyang pabalik-balik sa CR ng eroplano ang buntis na si Violeta at ng lumabas ito ay umiiyak at hawak na ang sanggol na bagong panganak at iba na ang kulay nito.

Walang inaksayang panahon si Santos at dahil sanay ito sa mga public hospitals ay di ito nag-panic at kinuha ang baby upang linisin ito. Tulad umano ng cateter na ginagamit sa mga ospital, nag-improvise na lamang umano ang nars at pinagdugtung ang mga syringe at isinagawa ang pag-aspirate sa sanggol. Itinapat din umano ng nars ang sanggol sa mga lampshades ng eroplano bilang pansamantalang incubator nito upang mainitan at matuyo ang katawan .

Nilagyan naman ng nars na si Edith David ng oxygen ang sanggol at binigyan ng lakas ng loob ang mga magulang ng baby at sinigurong okey na at mabubuhay ito.

Nag-emergency landing naman ang eroplano sa Ho Chi Minh City sa bansang Vietnam upang madala sa ospital ang mag-iina , bago tuluyang nagbalik ang eroplano sa biyahe nito pa-Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply