Mag-ama pinagbabaril, 1 patay, 1 sugatan

UTAS ang isang kelot habang sugatan naman ang tatay nito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang mag-ama ay naglalaro ng bingo, sa Northbay Boulevard South, Navotas City.

Patay sa pinangyarihan si Kary Lanz Lorenzo, binata, ng Arellano St., Brgy. Concepcion, Malabon City sanhi ng tinamong tama ng di pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center si Pepito Ignacio Jr., ama ng nasawi, sanhi ng tinamong punlo ng baril sa katawan nito.

Mabilis naman tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin matapos maisagawa nito ang krimen.

Sa imbestigasyon ni P02 Philip Edgar Valera, ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, dakong alas 7:00 kamakalawa ng gabi ng maganap ang insidente sa Electronic Binggo tapat ng gusali ng Sea Front sa nasabing barangay.

Magkatabing naglalaro ng bingo ang mag-ama pero lingid sa kalaman ng mga ito palihim na lumapit ang suspek at walang sabi-sabi, agad pinagbabaril ang mag ama na agad napuruhan ang batang Ignacio.

Nabatid sa saksing si Angelito Hillarille, nakatagang security guard sa SeaFront building, tatlong putok ng baril ang umalingaw-ngaw hangang biglang magtakbuhan ang mga manlalaro na tanging naiwan ang mag-ama na pawing naliligo sa sariling dugo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa krimen, habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply