Mag-anak minasaker: 3 patay, 1 sugatan sa Caloocan

NAKAHANDUSAY na ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos pasukin at pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay kaninang madaling araw sa Caloocan City.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa katawan sina  Florencio Torres; asawang si Milagros at anak na si Marjorie pawang taga Phase 7, Bagong Silang ng lungsod.

Ginagamot naman sa hindi na binanggit na pagamutan si Jonalyn Torres, 13, ng nasabing lugar.

Mabilis namang tumakas ang salarin na nakilalang si  Charlie Balgoa, dating kapitbahay ng mga biktima.

Sa ulat, dakong alas 6:00  ng umaga nang pasukin at pagbabarilin ang mga biktima ni Balgoa habang ang mga biktima ay pawang nakahiga pa loob ng kanilang bahay.

Nabatid nagtanim ng sama ng loob si Balgoa sa pamilya Torres matapos inguso sa Meralco na iligal na nagkabit ng kuryente at saka inaway pa ng pamilya Torres ang asawa ng salarin kaya ito ay umalis sa nasabing lugar.

Matapos ang insidente ay tumakas si Balgoa bitbit ang ginamit na caliber 45.

Nabatid kay Jonalyn na pinagbantaan papatayin ng suspek ang kanyang mga magulang dahil sa awayan sa kuryente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply