Mag-ina sugatan sa aksidente

SUGATAN ang isang mag-ina nang bumangga sa tricycle ang sinasakyan nilang tricycle sa Binmaley, Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina Charisma Reyes, 26, at Althea Dianne, kapwa ng Namolan West Lingayen.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa national highway ng Brgy. Biec West, Binmaley habang lulan ng tricycle at bumangga sa nakaparadang tricycle sa gilid ng daan.

May sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga biktima na agad isinugod sa pagamutan.

Napag-alaman na ang driver ng sinasakyan nilang tricycle ay nasa impluwensya ng alak nang maganap ang insidente.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply