Mag-inang sumaksak sa manikurista wanted na

PINAGHAHANAP na ng pulisya ang mag-inang sumaksak at nakapatay sa isang manikurista sa Pasay City.

Kinilala ni SPO2 Faustino Erlano Jr.ng Homicide Section ng Pasay City Police ang biktima sa pangalang Gina, nasa hustong gulang, ng No. 738 E. Rodriguez St., naturang lungsod.

Hinahanap na ng pulisya ang mag-ina na kinilala sa mga pangalang Lydia Baliquia at Baying Baliquia na tumakas matapos mapatay ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon nina SPO2 Chris Gabutin at PO3 Fernildo De Castro ng Station Investigation Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police, ang insidente ay naganap dakong 8:00 kaninang umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

Ayon sa ilang saksi na kapitbahay ng mag-inang suspek, nakita nilang hawak-hawak ng anak sa  dalawang braso ng biktima habang sinasaksak ng ina sa likod at leeg ang biktima upang hindi makapalag.

Habang pigil-pigil ng anak ang braso, tinakpan pa ang bibig ng biktima para hindi marinig ang pagpalahaw nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply