Mag-utol na lolo’t lola natusta sa sunog sa La Union

NATUSTA nang buhay ang isang magkapatid na matanda nang masunog ang kanilang bahay dahil sa napabayaang kandila sa La Union nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 1.

Nagtamo ng third degree burn sa buong parte ng katawan ang magkapatid na sina Mariano, 90 at Ursula Bacani, 84, kapwa residente ng Barangay Sta. Rosa, San Juan.

Sa ulat mula sa Bureau of Fire Protection (BFP)-San Fernando City, naiwan ng mga biktima ang nakasinding kandila bago sila natulog.

Pero dahil kasagsagan ng bagyong Gener, nabuwal na malakas na hangin ang nasabing kandila  na dahilan ng pagkasunog ng kanilang bahay.

Rumesponde naman ang mga bombero, pulis at mga residente roon at naapula ang sunog ngunit nabigo silang iligtas ang magkapatid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply