Mag-utol pinagtulungan ng 5, kritikal

KRITIKAL ang mag-utol matapos pagtulungang bugbugin at saksakin ng limang lalaki habang ang mga una ay papalabas sa videoke bar sa Caloocan City, kaninang madaling araw.

Kapwa ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak at bugbog sa katawan sina Judito at Adrian Peniones, kapwa nasa hustong gulang ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Nadakip naman sina Jerrick Yalong, Michael Salabig, Mark Bryan Mamporte, Vener Rabano, at John Ryan Ablaza, mga nasa hustong gulang, mga naninirahan sa Dalandan St., Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw, papalabas na sa Pacman’s videoke bar sa Almar Road, Camarin ang mgakapatid nang harangin ng mga suspek at pagbubugbugin.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek at sinaksak pa ang magkapatid.

Agad na dinala sa EAMC ang mga biktima habang nadakip naman ang mga suspek ng mga rumespondeng pulis.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply