Magaan ang trabaho pag lahat kumikilos

MISMONG si Pangulong Be-nigno “Noynoy” Aquino III, ka-sama ang kanyang gabinete ay hindi nag-“day off” mata-pos ang walang humpay na pag-ulan na nauwi sa mala-wakang pagbaha sa mga lugar sa Metro Manila.

Personal ding nakiusap ang Pangulo sa mga apekta-dong residente ng baha na huwag nang matigas ang ulo at sumunod na lamang kung sakaling pinalilikas na.

May mga residente nga naman kasing hindi rin masi-sisi kung ayaw lisanin ang kanilang mga bahay dahil na rin sa pangambang sa kani-lang pagbabalik ay waring bulang nawala na ang kani-lang mga pinaghirapan.

At dahil naiintindihan ito ng Pangulo, siya mismo ang bu-maba sa kanyang mga mama-mayan para iparamdam sa kanila na mas mahalaga ang buhay ng kahit sinoman.

Kung ikukumpara ang na-ganap na pagbaha ngayon sa naging epekto noon ng bagyong Ondoy, masasabi nating mas malala ang sa ngayon.

Pero dahil sa kahandaan ng lahat higit ng gobyerno eh naagapan ang malaking pin-sala sana nito.

Mas natutukan kasi ang pagbibigay ng babala sa mga tao at hindi naging huli ang lahat.

Dahil din ito sa utos ni PNoy sa kanyang nasasa-kupan na maging alerto sa lahat ng oras. Tulad na la-mang ng kanyang utos sa PAGASA, partikular ang pagpapasimple sa color coding na babala nito para mas maunawaan ng mga ordinaryong mamamayan.

Mas naging madali nga naman sa lahat ang pagha-handa sa paparating na ka-lamidad.

Nakatutuwang isipin din na sa ngayon ay sama-sama at tulong-tulong ang mga tao sa gobyerno sa pag-ayuda sa mga mamamayan. Hindi na nangailangan pa ng pitik para magsikilos ang mga ito.

Tulad ng Philippine Air Force (PAF) na agad kumilos para tumulong sa pagsasa-gawa ng rescue operations sa isolated areas sa bansa.

Tutok din ang DTI sa pres-yuhan ng mga bilihin para maiwasang magsamantala ang mga negosyante.

Nananatili namang sapat ang relief goods at logistics ng Department of Social Wel-fare and Development para sa kanilang relief operations sa mga biktima ng pagbaha.

Mainam, dahil ibig sabihin lamang nito na hindi magu-gutom ang mga pamilyang nasa 107 evacuation centers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Bagamat kulang sa mga personnel ang DSWD, du-magsa naman ang mga vo-lunteer sa repacking center ng DSWD para tumulong.

Patunay lamang na hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagsisilbi sa mamamayan.

Dahil maging ang mga sibilyan ay handang tumu-long mapagaan lamang ang trabaho ng lahat sa pag-ayuda sa mga Filipinong na-ngangailangan ng pansa-mantalang pagkalinga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply