Magagamot ang TB kung iinom ng gamot sa tamang oras

NALALAMAN ng mga doktor kung may TB ang isang tao sa pamamagitan ng tuberculin skin test. Habang nag–skin test ang doktor o ang nurse, ay mag–inject ng TB antigens sa ilalim ng balat. Kapag mayroon kang TB bacteria sa katawan, sa loob ng 2 araw ay kakikitaan ka ng red bump kung saan itinusok ang karayom sa nakaraang testing. Ang test ang makapagsasabi kung kailan ka nagkaroon ng TB upang ‘di ka makahawa sa iba.

Malalaman naman ng doktor kung mayroon kang pulmonary TB, sa pamamagitan ng test ng doktor sa mucus mula sa baga (sputum), upang matiyak kung nagtataglay ito ng bacteria.
Kung minsan gumagawa pa nang ibang test ang doktor ito ay sa pamamagitan ng sputum at dugo, o maaari ding magpa-x–ray para makatiyak.

Upang malaman naman kung may extra pulmonary TB, ang doktor ay kukuha ng sample tissue (biopsy) para suriin. Maaaring sa CT scan o MRI upang makita ng doktor ang loob ng katawan.

Papaano magagamot ang TB?

Sa halos lahat ng pagkakataon, apat (4) na pinagsama–samang antibiotics ang gamit ng doktor sa paggamot sa TB. Kailangan na uminom ng gamot sa loob ng anim (6) na buwan ang pasyente. Sa loob ng panahong ito ay magagamot na ang TB. Kapag ‘di pa rin nagamot sa loob ng anim (6) na buwan ang TB, kailangan na ipagpatuloy pa ang gamutan sa loob ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) buwan pa.

Kapag nagkaroon ng laktaw ang gamutan at ‘di nakasunod sa pag–inom ng gamot, ito ay hindi gagaling, at mag–uumpisang muli ang gamutan sa simula.

Ang TB ay gumagaling lamang kung lahat ng nararapat na gamot ay maiinom ng may sakit nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply