Magandang lagay ng panahon, asahan ngayong weekend

ASAHAN na ang magandang lagay ng panahon ngayong weekend  bagama’t makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Netro Manila .

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), madalas na maulap na kalangitan naman ang mararanasan ng Hilaga at Central Luzon.

Moderate to heavy rainfall na may kasamang malakas na hangin ang inaasahang iiral sa Timog-kanluran bahagi ng Luzon at sa mga baybaying dagat nito.

Patuloy pa rin namang nananawagan ang ahensya sa mga mangingisda na kung maari ay wag munang pumalaot dahil sa posibleng paglakas ng alon sa dagat.

Kasunod nito, bukas araw ng Lunes hanggang Martes sa  asahan ang isang namumuong Low Pressure Area (LPA).

Sakaling maging ganap na bagyo ay tatawagin itong, “Helen”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply