Magbiyenang pumalaot sa dagat nawawala

NAWAWALA ang magbiyenan at hindi pa rin bumabalik sa kanilang tahanan makaraang pumalaot sa dagat sa Brgy Ablan, Burgos, Ilocos Norte matapos silang pumalaot sa dagat kahapon.

Ayon sa mga kapitbahay ng magbiyenan na nakilalang sina Marcelo Gervacio at Ralph Aldrin Delgado, kapwa residente sa naturang barangay, sabay-sabay silang pumalaot kasama ang dalawa ngunit nang umuwi na sila ay nasiraan ang mga ito sa gitna ng dagat kaya’t hindi sila agad nakasunod.

Nabatid na nagkaroon pa ng pagkakataon na makontak ang magbiyenan sa pamamagitan ng text ngunit sa kasalukuyan ay hindi na sumasagot ang mga ito sa tawag at wala na ring mensaheng nakukuha sa mga ito.

Hiniling na ng PNP Burgos ang tulong ng PNP Provincial Office upang mahanap ang magbiyenang nawawala sa dagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply