Magkaibigan nagkainitan sa inuman, 1 patay

PATAY ang isang lalaki makaraang undayan ng saksak ng kanyang kainuman sa gitna ng kanilang inuman sa Quezon City.

Namatay rin habang isinusugod sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Ricky Desma, 40-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Holy Spirit Quezon City bunga ng tinamong saksak sa kanyang dibdib.

Nakatakas naman ang itinuturong salarin na nakilalang si Joel Oroa, 27, construction worker ng # 1166 Rivwerside St. Brgy Commonwealth, Quezon City .

Batay sa ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang insidente pasado alas 7:45 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.

Batay sa naging testimonya ng kapatid ng biktima na si Dominic Resma, bago nangyari ang pananaksak ay nag-iinuman muna sina Ricky at Joel .

Nagtaka umano siya dahil sa gitna ng inuman ay biglang umalis umano ang suspek at ng bumalik ay may dala na itong patalim bago inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima.

Pansamantalang nakalagak ang labi ng biktima sa PNP CLC para maisailalim sa awtopsiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply