Magkasintahang Korean nanakawan sa Bora

NAKUHAAN ng mga alahas, pera at digital camera ang magkasintahang Korean national makaraang mabiktima ng snatching sa isla ng Boracay bandang alas-6:30 kagabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Kim Dal Mi, 31, at boyfriend nitong si Kim Hyun na naglalakad umano pauwi sa kanilang tinutuluyang hotel sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag sa isla, nang biglang may humablot sa shoulder bag ng babae.

Naglalaman ang naturang shouder bag ng mga alahas, $100 dollar, digital camera at ilang importanteng dokumento.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC) ang nasabing insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply