Magnanakaw na dental technician dinampot

KALABOSO ang isang dental technician matapos mahuli sa aktong nagnakaw ng paninda sa Gaisano Mall, Global, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Kinilala ng Gaisano Mall Security Personnel na sina Oscar Matubang Jr., at Rodel M. Artesano ang kanilang binitbit at isinuko sa himpilan ng IDMS na si Eladuna R. Lucañas, 21, ng 1st Area 6-B, Nawasa Line, Quezon City.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nabatid na nakita ni Artesano ang suspek kinuha ang naka-display na imported na payong at isang long-sleeve na polo saka dali-daling sumakay ng escalator patungong 2nd floor ng gusali.

Sinubaybayan ng security guard ang galaw ng pinaniniwalaang shop-lifter hanggang sa makarating ito ng 3rd floor kung saan ay binaklas ang tag price ng mga inumit na items.

Hindi na nagawang makalayo pa ni Lucañas nang sinitahin ng mga security personnel at tuluyang bitbitin patungo sa himpilan ng pulisya.

Kasong pagnanakaw ang isinampa sa suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply