Magpinsan dinampot sa bebot na sinalvage at sinilid sa sako

INARESTO ng Manila Police District ang isang magpinsan na itinuturong nakitang naglagay sa eskinita sa babae na natagpuang nakasilid sa sako at pinaghihinalaang ginahasa muna bago sinalvage noong Agosto 4, sa Sta. Ana, Maynila.

Isinasailalim ngayon sa interogasyon ng MPD-HS, ang magpinsan na sina Mark Anthony Pedrezuela,18 at Christian Pedrezuela, 20, kapwa miyembro ng “ Bahala na Gang” at residente ng 1930 Dagonoy St.Sta. Ana, Maynila.

Ang pagkakaresto ng magpinsan ay matapos na lumutang ang testigo na nakakita sa kanilang inilagay ang katawan ng biktima sa sako.

Una nang sinabi ni SPO2 Virgo Villareal, imbestigador ng MPD-HS,na nahirapan silang ilarawan ang biktima dahil naaagnas na ang bangkay nito ng matagpuan sa isang bahagi ng eskinita sa Dagohoy St., dakong ala 1 ng madaling araw kung saan pinaghihinalaang ginahasa muna ito dahil walang saplot ang katawan bago inilagay sa sako at itinapon sa isang iskinita.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply