Magpinsan utas sa pananaga, suspek utas din

MATAPOS pagtatagain at mapatay ang kanyang tiyahin na live-in partner nito at ang pinsan ng una, binaril ng hindi nakikilalang lalaki ang pumatay sa magpinsan sa Misamis Oriental kaninang umaga, Agosto 1.

Dead on the spot sanhi ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang magpinsan na sina Crisanta Macalaquing at si Rogelio Cublan, kapwa ng Barangay Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental.

Nagtamo naman ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Junie Macalaquing.

Wala pang ideya ang pulisya, kung sino ang bumaril sa suspek na si Junie pero may paniwala si Senior Inspector Ireneo Ramirez, hepe Tagoloan PNP na kamag-anak ng mga biktima ang pumatay dito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 9:15 ng umaga sa bahay mismo ng magka-live in partner.

Ayon sa saksing si Crisostomo Wasid, bago ito ay kauuwi lamang ng biktima sa bahay mula sa sakahan nang bigla na lamang pagtatagain ng suspek.

Sa pagtakas ng suspek ay nakasalubong niya si Cublan at sa hindi malamang dahilan ay pinagtataga rin  hanggang sa mapatay ito.

Sa kanyang pagtakas, may bigla namang bumaril sa suspek na ikinamatay din agad nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply