Maguindanao, N. Cotabato niyanig ng mga pagsabog

NAG-PANIC ang mga residente bunsod ng magkakasunod ng pagsabog ng Improvise Explosive Device (IED) sa ilang bayan sa Maguindanao at North Cotabato kagabi.

Ang pagsabog ay naganap pasado alas-siyete kagabi nang sumabog ang isang IED sa tapat ng isang water refilling station sa Barangay Awang Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay DOS Chief of Police Inspector Lendsy Sinsuat, wala namang nasaktan sa pagsabog ng IED sa lugar at nagkalat ang sangkap ng bomba na kinabibilangan ng baterya, pulbura at cellfone na ginamit na triggering device.

Pasado alas-8:15 kagabi ay sumabog din ang isang IED sa bubungan ng Quack Internet Café sa USM Avenue Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Police Chief Inspector Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, ito ay kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM).

Wala namang tao sa loob ng internet café ng maganap ang pagsabog.

Samantala isa ring IED ang sumabog sa bagsakan area sa bayan ng Mlang North Cotabato dakong alas 8:30 kagabi.

Magugunitang, kamakalawa ng gabi ay pinasabugan din ang dalalawang mataas na tore ng Napocor sa sitio Egan, Barangay Galakit Pagalungan, Maguindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply