Mahaderang stage mother!

PINAG-UUSAPAN ng mga reporter yung pagkamahadera ng nanay ni Louise Delos Reyes. Sobra as in isinusuka na raw ng mga staff ng GMA 7 ang masamang ugali nito. Pakialamera raw ito na pasaway na di mapagbawalan.

Mahaderic daw talagang beauty niya, whatever that means!

Kaya raw siguro pati si Louise, ang sama-sama na ng image. Na naging mahadera na rin. Siguro raw nahawaan ng nanay niya.

Take note that this stage mother daw, ay minsang tumalak sa kapartner ni Louise na si Alden. Nagitla raw ang young actor at di na lang pinansin ang stage mother.

Yung mga staff daw na present sa talakan ang nainis na naawa kay Alden dahil sa pang-insulto sa kanya ng nanay ni Louise.
Minsan naman daw, may isang affair sa Party Pilipinas.

Nag-assign daw ng mga upuan para sa mga VIP ng GMA na nanood. Sukat daw ba namang umupo ang nanay ni Louise at nang paalisin siya ng staff at nilagay sa gilid, nagtaray daw ito at nagsabing star ang anak niya kaya kailangang nasa lugar siya ng mga VIP.

True kaya?

Nagkaroon naman daw ng stars ball ang GMA 7 at bawal ang mga nanay. Itong nanay daw ni Louise, talagang nag-gown kuntodo make up at coiffure pa na lumakad sa red carpet. Saka raw ito nagsalitang invited siya sa affair.

“Sorry kayo, invited ako! Kaya kayo riyan na lang kayo sa labas,” sabi raw nito sa ibang mga nanay na sumunod sa patakaran na off limits sila sa ball room.

Naalala tuloy namin na noong araw, ganyan din daw ang nanay ni Sarah Geromino. Noong baguhan daw si Sarah, feeling star rin daw siya’t may pagkamahadera rin. Pero dahil tuluyang lumaki ang pangalan ni Sarah, pati nanay niya, nag-level up na rin ang attitude.

Kumbaga, wala na siyang paki sa iba, basta star ang anak niya, kampante na siya, ganun.

Sana naman dumating ang panahong mag-level up din sa attitude ang stage mother ni Louise at di na magmahadera pa’t makukuntento na lang na star ang anak niya.

Paano kung hanggang starlet lang si Louise? Di hanggang starlet din ang attitude ni madir!

Oo nga!

Dirty and unethical calamity campaigning

NAKABUBWISIT panoorin ang mga pulitikong nagre-resort to dirty calamity campaigning. Nakagigigil na ginagamit nila ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga sinalanta ng habagat na kunwari tumutulong sila pero ang nais nila ay media exposure.

Naku ha? Hindi maganda yang sa panahon pa ng kalamidad nagpapansin para makabingwit ng mga boto. Halata na ta- lagang di naman sila talaga nagnanais tumulong kundi yung gusto nilang maluklok sa pwesto.

Recently, si PNoy ay umikot sa mga binaha sa Luzon. Yung mga kabig niyang mga papansing politicians ay nasa kanyang entourage. Kanya-kanya sila ng papelan para nga, alam n’yo na. Di bale sana kung taos sa loob nila’ng kanilang ginagawa.

Anyway, kahit sa mga networks gaya ng TV5, GMA 7 at ABS, walang patumangga yung paggamit nila sa kalamidad. Na kesyo ganyan at ganon.

But did you notice na isinasali nila yung mga bagitong nasa artista searches nila? Halata talaga na pati kalamidad ay ginagamit nila to promote their endeavors. Tuloy, nawawalan ng kabuluhan yung totoong pagnanais nilang makiramay sa mga sinalanta ng habagat.

Take note, mga kabalen, ang Lapid family ay naghatid pa ng maraming relief goods nung isang araw sa CSF. Natural, dahil may malaking tarpaulin ang mga truck at sasakyan nila, yung mga tao, nag-akalang ipamimigay nila ang mga dala nilang relief goods.

Nag-station pa sila sa isang resto along McArthur at nang dumating ang mga nakapila saka sila nag-announce na iiwan nila sa ilang namamahala ang sako sakong relief goods.

It turned out, they were out to resort to calamity campaigning. Kumpleto ang pamilya Lapid, si Senator Lito, si Maynard at ex-governor Mark with wife Tanya Garcia in tow. At natural na maraming mga kapanalig na nasa entourage.

Ano ang nangyari sa mga nakapila? Umuwi lahat silang luhaan dahil yung taong pinag-iwanan ng mga relief goods ay marami pang kesyo. Na gagawa raw muna ng mGa tickets, na kesyo ganyan at ganoon.

Alam kaya ng mga Lapids na hindi nakarating yung relief goods sa mga taong pumila sa mga Lapid?

Anyway, I was talking to some friends who were in the entourage of the Lapids at maging si Mark Lapid mismo talked to us at nagsabing bahala na raw yung pinag-iwanan nila.

Lumalabas tuloy, nagamit lang mga tao na makitili para mapansing andiyan pa rin pala’ng mga Lapids.

Sana lang, yung sigawan at tilian sa kanila ay siguradong magtra-transform sa mga boto comes 2013.

Sana lang at marami pang sana!


loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply