Mahinhing TV host natuwa sa bagong show, dusa naman ang inaabot sa bagong co-host!

NATUWA ang mahinhing TV host nang mapahinga siya sa panggabing game show dahil maaga na siyang nakatutulog at hindi na siya gabi-gabing matu-trauma sa dakdakerong co-host na parating pinupuna ang kanyang way of hosting.

Nang mapunta siya sa once-a-week game show ulit ay mas matindi pa pala ang mararanasan niyang pagduhagi mula sa isang beteranong host na daig pa ang bakla sa pagka-taklesa. Kung dakdadakan siya nito ay para siyang batang walang alam. Hindi man lang nirespeto ang mister niyang kilalang angkan sa larangan ng pulitika.

Maging ang staff ng show na ‘to ay asar din sa host na ‘to dahil pakialamero at feeling pinakamatalino sa lahat.

***

Angel namalengke para sa mga biktima ng baha

HALOS magkandakuba si Phil Younghusband dahil sa pinamili ni Angel Locsin sa Shopwise Commonwealth, Quezon City.

Nag-shopping ang aktres para sa mga biktima ng baha dala ng matinding hagupit ng Habagat, at bale ang kanyang boyfriend na football player ang kanyang naging tagabitbit.

Ang relief goods na pinamili ni Angel ay ipamimigay sa gagawing relief operations ng Gabriela.

Oh, hayan, Gabriela, kapag may matinding sex-scene sa pelikula ang siyota ni Phil huwag kayong magrereklamo ha? Hehehe!

Anyway, nung panahon nang pananalasa ng bagyong Ondoy, ilang daang-libong-piso ang ginastos ng dalaga para makabili ng mga pangangailangan ng mga naging biktima nito at siya mismo ang personal na nag-abot sa mga ito.

***

Celebrities nagkapit-bisig sa pagtulong sa mga nasalanta ng baha

MATINDING ulan at malawakang baha ang muling sumubok kamakailan sa katatagan ng mga Filipino. Sa kabila ng mapinsalang kalamidad, marami ang nagpamalas ng kagitingan at kahandaang tumulong sa mga nangangailangan kabilang na ang ilan sa pinakamalalaking bituin sa showbiz.

Ngayong Sabado (bukas, Agosto 11), ibabahagi ng No.1 Saturday showbiz talkshow sa bansa na “Showbiz Inside Report” ang iba’t ibang kuwento ng kabayanihan ng mga ordinaryong Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa kanilang kapwa at ang mga Kapamilya star na sinuong ang baha upang makatulong at makapagbigay ngiti sa mga komunidad na nabiktima ng baha.

Sa episode na pinamagatang “Hagupit ng Panahon: Stories of Survival and Heroism,” itatampok ang rescue operations ng matatapang na kawani ng gobyerno at relief operations kung saan nakibahagi ang celebrities gaya nina Richard Gomez, Anne Curtis, Kathryn Bernardo, John Prats, Sam Milby at Vice Ganda.

Huwag palampasin ang No.1 Saturday entertainment talkshow sa bansa, “Showbiz Inside Report,” tuwing 2:30 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-‘like’ ang Facebook fanpage na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply