Maja kinabog sina Maricel at Lovi Poe!

ISA na namang karangalan ang naiuwi ni Maja Salvador sa katatapos lamang na Luna Awards ng Film Academy of the Philippines na ginanap sa Quezon City Sports Complex kamakailan lamang.

Dumating si Maja sa nasabing awards night para personal na tanggapin ang second best actress trophy (after Urian) na kaloob rin ng kanyang pelikulang “Thelma,” na idinirehe ni direk Paul Soriano.

Tinalo ni Maja sina Maricel Soriano at Lovi Poe sa nasabing kategorya. Isa na namang recognition ito para sa batang aktres matapos ring kilalanin bilang pinakamahusay na aktres ng taon sa Urian.

It was a double feat actually for Thelma dahil maging ang direktor na si Paul Soriano ay iniuwi rin ang best director trophy.

—@@@—

FINALLY, sa ika-10th anniversary ng loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, inamin ng aktor na at one point in time, pinag-isipan nitong ligawan ang aktres. Kaya lang, mas priority ni Lloydie (palayaw sa aktor) ang career over Bea.

“Siyempre sa loob ng sampung taon, napakasinungaling ko naman, na at one point ay hindi ko siya nagustuhan. Hindi ko lang pinursue,” pagtatapat sa amin ni Lloydie sa preskon ng The Mistress due for showing nationwide on September 12.

“It just didn’t happen,” sey pa ni Lloydie sa binalak na pagporma sa aktres noon. Marami raw factors na isinaalang-alang ang aktor bago nito isiping pumalaot sa isang relasyon with Bea.  “Unang-una, I wanted to protect the tandem.” aniya pa.

Kaya lang, naniwala rin ang aktor na kapag ang pag-ibig ay namayani na sa puso, harangan man daw ng sibat, gagawin nito ang utos ng puso, “But like I said, it didn’t happen for us.”

—@@@—

DAHIL obvious na ang tema ng The Mistress ay ukol sa pagiging “kabit o kerida” sa pagitan ng magkarelasyon, naitanong sa dalawang bida ng  movie kung sino ang kanilang papatulang artista saka-sakaling malagay sila sa ganitong sitwasyon.

Ani Bea, “Kay Bossing (Vic Sotto) at kay Richard Gomez.”

Bakit sina Vic at Goma ang pinili nitong “kabitan”?

“Si Bossing kasi, funny. Gusto ko ‘yong qualities niya. Si Richard naman, gwapo.” sey ni Bea.

—@@@—

NAKAUSAP rin namin sa preskon ng “Of All The Things” ng GMA Films at Viva Films si Regine Velasquez at halatang masaya’t na-miss nitong humarap sa press people. Naibida nitong pumayat na siya nang konti pero aminado namang ‘di mapapantayan ang kapayatan ni Heart Evangelista.

Ani Regine, third team up na nila ni Aga Muhlach ang Of All The Things. Una ay ang Dahil May Isang Ikaw at nasundan ito ng “Pangako, Ikaw Lang.”

Isa na naman pala itong rom-com (romantic-comedy) kaya’t naitanong sa singer-host-actress kung binalak rin ni- tong magpaka-serious dramatic actress balang araw.

“Hindi ko kaya ‘yong (straight) drama. Wala namang problema sa iyak-iyak kasi nga ang dali-dali kong umiyak. I just don’t like the working atmosphere na, (malungkot) palagi.”

Katwiran pa ni Regine. “Na, ganun ka palagi, na hindi ka bumabalik sa masaya.”

At least, kahit pa raw rom-com, binibigyan pa rin siya ng pagkakataong magdrama.”Okay na ako sa ganun, na eto yong forte ko (rom-com) binibigyan pa rin ako ng konting drama,” say pa ni Regine.

—@@@—

MASAYANG-MASAYA ang mga Vilmanian dahil naging isang blockbuster sa takilya ang “The Healing” with no other than Star for All Seasons and Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Kaugnay nito, naisulat din ng broadsheet columnist na si Ricky Lo ang katotohanan tungkol sa swerteng dulot ng The Healing despite na sinabayan ito ng bagyo.

Narito ang comment ni Mr. Lo, “Despite heavy rains and age-restricted rating, Star Cinema’s horror-suspense  film, The Healing, has become the only 3rd local movie to hit P100-M box-office mark this year. After it’s initial week in 120 theatres nationwide, the Vilma Santos starrer has already earned  P123.6-M at the box-office on it’s 4-week run. The movie which celebrates the Star for All Seasons’ 50th years in showbiz, managed to turn in a stellar financial performance despiite heavy rains and being rated R-13 and R-18 by the MTRCB.

The Chito Rono directed thriller also achieved the feat despite competition from Dark Knight Rises and Bourne Legacy. The graded A film by Cinema Evaluation Board also received rave reviews from industry personalities, critics and audiences during its run.”

Tama ba, Jojo Lim?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply