Majority ng kongresista dumalo sa ‘patawag’ ni PNoy

KINUMPIRMA ni House Majority Leader Neptali Gonzales na 160 kongresista ang dumalo sa pagpupulong sa Malakanyang na ipinatawag ni Pangulong Aquino.

Bukod pa aniya ito sa 40 mambabatas na nauna nang nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa pulong kung saan pangunahing tinalakay ang kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Subalit, hindi kinumpirma ni Gonzales kung lahat ng dumalo sa pulong ay boboto ng pabor sa RH Bill kasabay ng paglilinaw na hindi didiktahan ng liderato ng Kamara ang mga kongresista.

Bukas ang itinuturing na kritikal para sa Kamara dahil pagbobotohan ng 285 na kongeresista kung ititigil na ang debate sa House Bill 4244 o ang Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population Development Bill.

Sakaling magkaroon ng korum bukas, tiniyak ni Gonzales na majority lang ng present na kongresista ang kakailanganin para mailusot ang kontrobersyal na panukala.

Samantala, maagang tinapos kaninang umaga ang budget hearing sa Kamara para makadalo sa Malacañang ang mga kongresista.

Si Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya na kaalyado ng pangulo at kilalang tutol sa RH ay dumalo sa palasyo pero ayaw pang kumpirmahin kung papabor siya sa panukala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply