Makabagong silid-aralan ipinagkaloob ng foundation

SAN PABLO CITY, Laguna – Nagkaloob ng isang two-room school building ang Aklat, Gabay, Aruga Tungo sa Pag-angat at Pag-asa (AGAPP) Foundation sa San Pablo City Central School sa lungsod na ito.

Pinangalanan ni AGAPP Foundation Chairperson Pinky Aquino-Abellada, kapatid ni Pangulong Aquino, ang gusali na “silid pangarap.”

Ang gusali na ipinatayo ng San Miguel Corp. bilang kaagapay ng AGAPP Foundation ay sadyang denisenyo para sa mga batang nasa kindergarten. Ito ay may aklatan sa ilalim ng kaisipang “Unang aklat na binasa, unang hakbang sa pag-asa.”

Ang paghahandog ng bagong gusali ay pinagtibay sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan nina Abellada at Hemenes F. Bagsic, punong guro ng San Pablo City Central School, at sinaksihan ni City Schools Division Superintendent Susan de Leon-Oribiana.

Sumaksi rin sa pagpapasinaya at paglalagdaan sa kasunduan sina Paul Michael Cuadra, kalihim ng punong lunsod at Chief of Police Carlos Ebuen Barde.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply