Make-up classes tinutulan ng grupo ng mga guro

TINUTUTULAN ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang panukala ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa pangangailangan na magkaroon ng Saturday make-up classes sa mga paaralan dahil sa ilang araw na nakansela ang klase dahil sa masamang lagay ng panahon.

Binigyang-diin ni Benjo Basas, presidente ng grupo, na hindi pa naman apektado ng class suspensions ang 186 teaching days hanggang Marso 2013, dahil mayroon pa silang 20 buffer days sa school year.

Dahil dito, nanawagan si Basas sa Department of Education na paalalahanan ang mga paaralan kaugnay sa ipinaiiral na guidelines sa pagsasagawa ng make-up classes.

Napag-alamang may ilang eskwelahan sa Bacoor, Cavite na nag-uutos para sa make-up classes dahil sa mga sunod-sunod na kanselasyon ng klase na naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply