Mala-adonis na hunk actor natikman din ng bayotang politician from Luzon

HINDI lang pala ang high-ranking government official ang nakatilaw (nakatikim) sa hunk actor na pantasya hindi lang mga kababaihan kundi pati ng mga kabadingan. Yes, naikuwento ng aming impormante na noong minsang maimbitahan si gwaping at matangkad na young actor sa bayan ng kilalang bayotang politician sa Luzon, dahil sa katilam-tilam na arrive nito ay nagwa-water sa kanya si nasabing bading na politiko na may image na pumapatol talaga sa mga celebrity at machong news reporter. ‘Di ba Mr. DA?

At kung anong nangyari sa kanila ni hunky actor? Well, walang something na naganap that day.

Pero pinabalik ni gay govt official si actor na sagot nito ang back and port plane ticket at roon na sila nagsalo sa kaligayahan buong magdamag.

Isang mamahaling relo at laptop kaagad plus big sum ang ibinigay ni Mama sa natipuhang papang actor na marunong ring kumanta. Bakit rumaraket pa ng ganito si said young actor? Kasi naman mas malaki ang income niya sa pagpapahada kaysa sa kanyang showbiz career.

By the way, matagal-tagal na panahon na rin palang hiwalay si Mr. DA at mayamang vaklush na politician kaya tuwing may ipinapatawag na coverage sa lugar niya ang ex na mama de asucarera ay wala na ang presence niya dahil umiiwas na nga siya rito. Ganon? Nahi-hurt siya dahil ipinagpalit na siya sa ibang Papa. The solution is look for another rich bayot na maggi-give uli sa iyo ng very expensive laptop, cellphone etc. Dat’s da best idea gyud!

***

Hari ng teleserye at reyna ng daytime na sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa MMK this Saturday

MULING mapanonood ngayong Sabado (Setyembre 1) ang de-kalibreng Maalaala Mo Kaya episode na pinagbibidahan ng Walang Hanggan lead star na si Coco Martin at ng bida ng Be Careful With My Heart na si Jodi Sta. Maria.

Sa nasabing episode, bibigyang buhay ni Coco ang karakter ni Ramon, isang underground boxer na lumaki sa pambubugbog ng magulang. Ngunit nang mapagdesisyunan na ni Ramon na talikuran ang boksing, sinubok siya ng kapalaran at kalauna’y napilitang gumawa ng mga krimen na ikinamuhi ng kanyang pamilya. Bukod kina Coco at Jodi, bahagi rin MMK ngayong Sabado sina Philip Nolasco, BJ Forbes, Celine Lim, Veyda Innoval, Michael Roy Jornales, Carlos Morales, Levi Ignacio, Andrei Garcia, Aleck Bovick, at Mike Lloren. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alex Martin, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Dado Lumibao.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply