Malakanyang patay-malisya sa kapraningan ni Binay

PATAY-malisya ang Malakanyang sa tila pagiging ‘praning’ ni Vice-President Jejomar Binay nang magpahayag ito na siya na ang ‘target’ n g demolition job ng pamahalaan para mapaalis sa pwesto.

Sa ulat, sinabi ni Binay na mismong si Senate President Juan Ponce Enrile ang nagsabi sa kanya ng isyung ito.

“Hindi ko po kasi alam. Personally, we are not privy kung ano po ‘yung—kung saan ho nanggagaling ‘yung sentimyento ng ating Pangalawang Pangulo. Siguro po siya na lang din po ‘yung tanungin natin kung meron pa po bang elaboration or anything to that effect. Mukha hong nag-uugat ho ito doon sa sinasabing audit daw po yata nung proyekto nung siya po ay mayor pa ho ng Makati. Ngunit sinabi naman din po ni VP Binay na wala hong nagpapatungkol sa Pangulo on that note. So meron po yata kasing mga lumabas na report to that effect and si VP Binay po ‘yung nagsabi mismo na, “ay, wala hong kinalaman ang Pangulo dito.”ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sinabi pa rin niya na wala namang dapat na ipangamba ang publiko at ang kampo ni VP Binay sa balitang ito dahil maganda at maayos ang samahan nina Pangulong Aquino at ng una.

“Alam nyo maganda ho ‘yung relationship ng Pangulo at ng ating Pangalawang Pangulo. Nakita naman po niya ‘yan. At wala hong any indications. Maganda ho ‘yung kanilang working relationship and even the personal relationship,” ayon kay Usec. Valte.

HINDI naman naniniwala ang Malakanyang sa ulat na mismong si VP Binay ang nagsabi na may ilang grupo na ang naagtatrabaho para sa demolition job laban sa kanya.

“I don’t quite think that the Vice President said that kasi parang nabasa ko ho ‘yung mga statement, parang wala naman ho akong naalalang may pinatungkulan po siyang ganoon,” ani VAlte.

Malabo, aniya, na mangyari ito dahil si VP BInay ay bahagi ng official family ni Pangulong Aquino.

“The Vice President is part of the President’s official family at ano naman po ‘yan, pagdating po diyan sa Gabineteng ‘yan ang focus po nila is really ‘yung trabaho po nila, ‘yung binibigay po sa kanila ni PNOY na trabaho at ‘yung the respective work that they have under their agencies,” diing pahayag nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply