Malaking bahagi ng bansa, 3-araw makararanas ng masungit na panahon

MAKARARANAS ng malakas na buhos ng ulan ang malaking bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila sa susunod na tatlong araw.

Ito ang ipinahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) bagamat wala namang namo-monitor na sama ng panahon maliban lamang sa southwest monsoon o habagat na siyang nagpapaulan sa ilang lugar sa bansa.

Sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na makararanas ng malakas na pag-ulan ang Pangasinan, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Mindoro at Metro Manila

Dahil dito naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamumudmod ng mga sandbags sa tatlong siyudad sa Metro Manila na nakararanas ngayon ng pagbaha.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, inatasan na niya si Assistant General Manager Emerson Carlos na mamahagi ng mga sandbags sa Malabon, Navotas at Valenzuela.

PAGASA ang walang patid na pag-ulan na pinaigting ng southwest monsoon o hanging-habagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply