Manang Cristy Fermin, hindi nga nagmumura tulad ni Shalala, certified talingharap naman!

SI SHALALA naman ang pinagkakaisahan ngayon ni Manang Cristy Fermin kasama ng kanyang kampong ka-Kabsat. Pinaglalalait nila ngayon si Shalala dahil minura-mura raw nito ang talent coordinator nila sa kanilang show sa TV5 na “Ang Luma” (‘di pwedeng ang latest ang titulo dahil puro luma ang balita, blind item at luma rin ang pangitelyang host na si CSF).

Hindi lang daw nagmura ang bading na komedyanteng host kundi nagpi-feeling sikat rin daw ito dahil naghahanap ng sarili niyang make-up artist at dressing room sa Broadway Centrum na opisina ng TV5 at set na rin ng Ang Luma nila Manang Cristy, Amy Perez, Cong. Lucy Torres, Divine Lee at Mr. Fu.

Okay, hindi kami kumakampi sa mga taong mapagmura sa kanilang kapwa lalo na sa maliit. At dapat at karapat-dapat lang pangaralan si Shalala sa ipinakitang bad attitude niyang ito sa TC ng show. Pero mapunta naman tayo kay oslang Manang Cristy na kung magsalita ngayon ay parang sakdal linis naman. Hello?

Para bang hindi alam ng nakararami, specially me and my BBFT Pete A., ang kaplastikan ng chabokang kolumnistang host.

Kapag kausap mo siya nang personal, tatawagin ka niyang anak kuno pero pagtalikod mo ay kung anu-anong pangungutya na sa pagkatao mo ang mga sinasabi nito sa iyo. Saka ang galing-galing sa harangan ang manananggal na ‘to na matagal nang inurungan ng regla.

Matagal na pala kaming dapat nakapasok ni Pete riyan sa ABS-CBN pero ano ang ginawa ng ubanggang nilalang na ito? Kinausap talaga niya ang mga executives roon na huwag na huwag kaming imbitahan sa kanilang mga presscon. At dahil sa burak ang ugali ay natigbak siya sa Kapamilya network at kaagad naman kaming naging welcome sa istasyon na ito ni Sir Gabby Lopez.

May hindi pa ako makalimutang experience rito kay Manang Cristy. Supposedly ay iinterbiyuhin niya sana ako noon ng live sa kanilang Showbiz Linggo dahil sa kasong libel na isinampa sa akin ng ating superstar na si Nora Aunor na matagal nang ibinasura sa piskalya.

Aba! Akala mo kung sinong reyna ng Dos na ipinakansela nito ang panayam na ‘yun. Na ang feeling namin natsi-cheap-an siyang interbiyuhin kami samantalang close raw kami sa kanya. Sa rating top-rating na Juicy, sino ba ang nagpatanggal kay BFFT Pete ha?

Hindi ba’t ikaw rin dahil insecure ka sa talino ng amiga namin at galing sa pagho-host at hanep mag-deliver ng mga fresh and hot blind items with matching nakaaaliw na laughter na patented lang for him. Hay naku! mas feel pa namin si Shalala compared sa iyo Manang Cristy Fermin na certified Talingharap Queen ng showbizlandia. Period (peram amigang Pete) at walang comma. We’re telling the truth lang gyud!

***

Performance ng rockstar princess na si Paula Bianca sa kanyang mall show marami ang humahanga

AMONG newcomers na sumulpot sa field ng recording ay marami ang pumupuri rito sa Rockstar Princess na si Paula Bianca. Lalung-lalo na pagdating sa kanyang mga performances sa concert guesting at mall tour na nagsimula last March. Pinupuri talaga ng kanyang audience si Paula kasi naman maliban sa extra ordinary voice nito ay ang galing niyang performer. Imagine, kahit kanta ng mga male foreign singers ay carry-carry kantahin ng newcomer.

Kaya naman noong magkaroon siya ng mall show recently lang sa Lucky Chinatown Mall ay dinumog talaga siya ng mga rich people, specially ng chinese community na madalas yatang bumisita sa nasabing mall. Crowd drawer nang maituturing ang loving daughter nina Papa Dhan C at Madam Maribel. Kasi before nag-start ang show proper, walang katau-tao sa venue.

Pero nang lumabas na siya sa stage, magmula ground floor hanggang 5th floor ng Lucky Chinatown Mall na located sa Binondo ay dumami na parang mga langgam. Isa lang ang ibig sabihin nito, humahanga sila sa talento ng nasabing recording artist ng Vicor Music. At ang maganda, Paula is now singing with her back-up band na ang isa sa miyembro rito ay rating kasama sa banda ng dating sikat na Rock ‘N Roll Queen na si Sampaguita.

After ng kanyang show, nagkaroon ng autograph signing sa kanyang fans ang singer at marami talaga ang bumili ng kanyang album at nagpa-authograph. By the way, bukas ng hapon ay live guest live namin nila BFFT Pete A at kaibigang Abe Paulite aka Papa Umang, si Paula sa aming daily showbiz radio program na Star Na Star sa DWIZ. May interview kami sa kanya at kakanta siya ng live sa aming programa. Kaya tutok na sa DWIZ na nasa 882 khz sa inyong AM radio dial.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply