Mandurukot ‘di umubra sa dalagang biktima

SWAK sa kulungan ang mandurukot nang habulin ng biniktimang dalaga sa Caloocan City kagabi, Agosto 20.

Nakilala ang suspek na si Ronald Tiongson, 37 ng M. H, Del Pilar ng lungsod.

Nabawi naman ang coin purse na may laman P221 barya ng biktimang si Claire Ochoa, 28 ng Heroes Del 96 ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-6 ng gabi, tumatawid ang biktima sa Samson road ng lungsod nang mapansin bukas ang dalang bag.

Isang saksi ang nagsabi sa biktima na dinukutan siya sabay turo sa suspek na papatakas na.

Hinabol ng biktima ang suspek at nang maabutan ay kinompronta. Sakto namang nadaanan ng mga nagpapatrulyang pulis na agad na lumapit.

Nang kapkapan ang suspek ay nakuha ang coin purse ng dalaga na naging dahilan upang bitbitin sa presinto ang una.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply