Mangudadatu umaasang maaaresto ang iba pang suspek sa Maguindanao massacre

IKINAGALAK ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu ang pagkakaaresto sa isa pang prime suspect sa naganap na 2009 Maguindanao massacre na napaslang din ang kanyang asawa at ibang kamag-anak.

Sa pagkakaaresto kay Sajid Anwar Upam Ampatuan alyas Datu Ulo, umaasa si Mangudadatu na madadakip din ang ibang suspek na ngayon ay nagtatago lamang sa probinsiya ng Maguindanao.

Si Datu Ulo ay apo ni dating Maguindanao Governor datu Andal Ampatuan at anak ni dating Shariff Aguak Mayor Datu Anwar Ampatuan.

Ang nakakatanda nitong kapatid na si Datu Ipi ay isinuko ng kanyang ina na si Shariff Aguak Mayor bai Sahara Upam Ampatuan makaraang ito kasama ang limang iba pa ay masabugan ng bomba sa barangay Daladap, Mamasapano Maguindanao noong Marso 25. Si Datu Ipi ay kabilang din sa wanted sa Maguindanao massacre.

Umaasa si Mangudadatu na sa mga susunod na araw, isa-isa pang malalaglag sa kamay ng mga awtoridad ang iba pang sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Sa kasalukuyan, si Datu Ulo ay nasa kustodiya ng Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) at inaasahang ililipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply