Manila Bay puno pa rin ng basura

KAHIT dalawang linggo nang natapos ang pagbaha dahil sa hanging Habagat, puno pa rin ng basura ang Manila Bay sa Roxas Boulevard hanggang ngayon, ito ang napag-alaman ng Remate.

Ayon sa report, partikular na nakatambak ang napakaraming basura sa bahaging sakop ng US Embassy at Manila Yacht Club malapit sa Manila Hotel.

Ayon sa mga taong nagdaraan doon, umaalingasaw ang mabahong amoy ng mga nabubulok na basura kaya iniiwasan nila ang nasabing lugar.

Matagal na umano nila itong inireklamo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngunit nananatiling walang nangongolekta ng basura.

Ang nasabing bahagi ng Manila Bay ay malapit din sa Luneta at sa ipinagmamalaking Ocean Park ng bansa na pasyalan ng mga lokal at foreign tourists.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply