Manyakis na Amerikano natimbog sa Leyte

DAKIP ang manyakis na Amerikano na wanted sa Estados Unidos sa Maasin, Leyte.

Kinilala ng Bureau of Immigration (BI) ang naarestong Amerikano na si Robert Joseph Manship, 58.

Inasunto si Manship ng sexual assault sa Hillsborough County Superior ng New Hampshire at nakatakdang ipatapon pabalik ng Amerika.

Batay sa record ng immigration, dumating sa bansa si Manship noong Enero 2008 at hindi na ito nag-renew pa ng kanyang tourist visa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply