Mapanganib na aso ng Palace official sa Customs

NAKUPO! Sino itong isa pang bata ni Pangulong Noynoy Aquino na rumara-ket  sa mga importer/broker sa Bureau of Customs (BOC) sa tulong ng isang pekeng agent ata na nag-papakilalang taga-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)?

Sa nakalap nating impo sa loob ng Malacañan Pa-lace, ang Palace official na ito ay kilalang-kilala ng mga nagkokober na mamamahayag sa Palasyo. Pero ang posisyon ng Malacañan Official na ito ay isa siyang Assistant Secretary na dati’y kilalang diretso.

Pero ibang-iba na siya dahil sa baluktot na rin ang lakad ng mamang ito simula nang maging bahay ang Malakanyang. (Ayyy ang tao nga naman).

Kung inyong babalikan ang buhay nitong si Assec, noong araw ay kasa-kasama pa siya sa pakikibaka at tala-gang nakikipaglaban kung karapatan din lang ng mga manggagawa ang natatapakan. Pero ang siste, ang tao nga naman kapag nabigyan ng kapangyarihan, ay mabilis  pa sa kidlat ang pagbabago ng kanyang ugali at style. Ganyang nga ba talaga kapag nakakatuntong ka na sa  Malakanyang?

Assec, magpakapino ka naman baka sa halip na ma-ging asset ka ng Palasyo ay ikaw pa ang maging ‘alat’.

Mantakin niyo, tatlong taon pa lang na nakauupo si PNoy bilang Pangulo ng bansa ay may mga pinakawalan na palang mga ‘aso’ itong si Assec sa BOC na ang isa ay alyas  ‘Dogie Jimmy’. Ang pakilala ni Dogie Jimmy ay isa siyang agent ng CIIS pero ang laging bukambibig ng taran-tadong ito ay ‘aso’ siya ni Assec. Hehehe.

Ipinangongolekta ni Dogie Jimmy si Assec para raw may maipamahagi siya sa mga pasaway sa Malakanyang. Halos umi-iyak ang mga importer/broker sa Aduana dahil sa grabe kung manghingi ng ‘tara’ ang mag-amo. Ten thou per container.

‘Yan ba ang sinasabi  na  “matuwid na daan” ni Pa-ngulong Aquino na wala ring ipinagkaiba sa daang baku-bako at lubak-lubak?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply