Mar good choice bilang DILG chief – Lim

“HE’S a good choice.” Ito ang naging reaksyon ni Manila Mayor Alfredo Lim matapos italaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Transportation Secretary Mar Roxas ang ipapalit sa yumaong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Sec. Jesse Robredo.

Sa panayam sa alkalde ng Maynila, sinabi niya na si Roxas ay isa ring magandang ehemplo ng isang public official.

Dagdag pa ni Lim, matagal na rin si Roxas na nanunungkulan sa pamahalaan.

Magugunita na si Lim ay nagsilbi rin bilang kalihim ng DILG noong administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Isa rin ang pangalan ni Lim na lumutang na papalit sa posisyon ni Robredo sa DILG.

Ngunit una nang sinabi ni Lim sa mga mamahayag na hindi siya intresado sa posisyong naiwan ni Robredo at iginiit na mas gusto niya magsilbi bilang alkalde ng Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply