Mar itinangging inalok sa kanya ang DILG post

MARIING itinanggi ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na sa kanya inialok ni Pangulong Benigno Aquino III ang naiwang posisyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ni Secretary Jesse Robredo.

Binigyang-diin ni Roxas na masyado pang maaga para pag-usapan ang bagay na ito dahil kasalukuyan pang nagluluksa ang Sambayanang Pilipino sa pagpanaw ng Kalihim.

Sinabi ni Roxas na mahalagang mayroong itinalaga ang Pangulo na officer-in-charge (OIC) sa DILG sa katauhan ni Executive Secretary Jojo Ochoa na siyang magpapatuloy ng operasyon nito.

Sa kabila nito, tumanggi si Roxas na sabihin kung tatanggapin niya ang pagiging kalihim ng DILG kung sakaling ialok ito sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply