Mar Roxas, bagong DILG chief; Rep. Abaya sa DOTC

NAKAPILI na umano ang Pangulong Noynoy Aquino III ng bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kapalit ng yumaong si Sec. Jesse Robredo.

Ayon sa nakalap na impormasyon, si Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Mar Roxas umano ang napupusuan ni Pangulong Aquino bilang bagong mamuno sa DILG.

Si Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya naman umano ang papalit sa puwesto ni Roxas sa DOTC.

Matatandaan na sina Roxas at Abaya ay kapwa miyembro ng Liberal Party (LP) na partido ni Pangulong Aquino.

Dahil dito, pormalidad na lamang umano ang kulang sa pag-aanunsyo ni Pangulong Aquino ng appointment ni DOTC Sec. Mar Roxas bilang kapalit ng nasawi sa plane crash na si DILG Sec. Jesse Robredo.

Hindi kinumpirma o itinanggi ni Roxas ang napipintong pag-upo sa binakanteng pwesto ni Robredo.

Nabatid na nagkausap na sina Roxas at ang Pangulong Aquino para sa bagong assignment ng kalihim sa pamamagitan ng telepono kaya formal announcement na lamang umano ang kailangang abangan.

Dahil dito, posibleng mapaaga ang pag-anunsyo ng pagtatalaga ng bagong DILG secretary na unang naitakda sa Setyembre 7, 2012, bago umalis ang Pangulo para dumalo sa APEC summit sa bansang Russia.

Ang congressional task naman ni Abaya ay ipauubaya na lamang sa mga opisyal ng mababang kapulungan ng Kongreso, lalo’t hawak nito ang maselang pwesto bilang chairman ng House appropriations committee.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply