Maraming lugar sa Kamaynilaan, mistulang dagat sa pag-ulan

NAGMISTULANG dagat na ang ilang lugar sa kamaynilaan bunsod ng magdamag na walang tigil na pag-ulan dulot ng hanging Habagat.

Nabatid sa Manila Police District (MPD) Tactical Operation Center, na hindi na madadaanan ang kalsada ng Velasquez, Morga at Nolasco sa Tondo, gayundin ang A. Mendoza na papuntang Quezon Avenue, Malate, Quirino, Leon Guinto, Dagohoy, Adriatico, Ocampo, bahagi ng Rizal Memorial, Taft Avenue, San Andres at Plaza Dilao.

Mataas na rin ang tubig baha sa may España, Lacson, paligid ng University of Santo Tomas (UST), Dimasalang, Retiro, Blumentritt at Dapitan area, Maceda, Simon at Ermita partikular na ang Pedro Gil, US Embassy area, Faura, Guanzon at Perdigon, gayundin sa Aurora Boulevard at Nagtahan area.

Maging ang ang Bambang, Margal, Jose Abad Santos, Tayuman at Antipolo ay hindi na rin maaring daanan ng mga light vehicles.

Gayundin ang Auro Blvd., Old Sta. Mesa, Quiapo, Rizal Ave., TM Kalaw, Cavite at Ayala Blvd, Reina Regente, Soler at Recto.

Pamilya sa Baseco inilikas

INILIKAS ang may 295 pamilya mula sa Happy Land at Sitio Damayan sa Brgy. 105, Tondo dahil sa takot na tumaas ang tubig sa Manila Bay.

Bukod pa rito ang mga 18 pamilyang inilikas din sa Baseco Compound.

Ito ay matapos na walang tigil ang pagbuhos ng ulan kung saan nangangamba ang mga residente na abutan ang kanilang bahay ng tubig ng Manila Bay lalo na kapag high tide.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply