Marikenyos pinag-iingat vs leptospirosis

PINAG-IINGAT ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) ang lahat ng residente na huwag magtampisaw sa baha upang maiwasang mabiktima ng Leptospirosis.

Ang Leptospirosis ay uri ng sakit na nakukuha mula sa mikrobyong Leptospira na na matatagpuan sa ihi ng daga na nahahalo sa baha. Maaaring pumasok ang Leptospira sa bukas na sugat sa balat ng tao at maging sa mucous membranes sa bibig, ilong, at mga mata na nagiging sanhi ng naturang sakit.

Ilan sa mga maagang sintomas ng sakit na ito ay mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, panlalamig, pamumula ng mata, pananakit ng tiyan, paninilaw ng balat, pagdurugo ng balat at mucous membranes, pagsusuka, pagtatae, at pamamantal.

Hinikayat ni Mayor Del De Guzman ang mga residente na maging maagap kung nagsisimulang makaramdam ng sintomas ng naturang sakit.

“Huwag na sanang hintaying lumala pa ang sakit na kanilang nararamdaman bago magpatingin sa doktor kahit pa ito ay simpleng lagnat lamang. Mainam na kumonsulta tayo agad upang maiwasan ang paglala ng karamdaman,” wika ni De Guzman.

Samantala, pinayuhan din ni De Guzman ang mga residenteng iwasang lumangoy at maglaro sa baha, may sugat man o wala ang mga ito. Mainam kung magsusuot din ng pananggalang sa baha tulad ng bota at guwantes upang siguraduhing hindi mababasa ng baha ang paa at kamay ng kontaminadong tubig.

Payo naman ng CHO na kung nakakaramdam ng sintomas ng Leptospirosis o anumang karamdaman ay agad na magtungo sa pinakamalapit na health center sa barangay o  sa Healthy City Center upang agad na mapalatan ng agarang lunas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply