Marikina River nasa alert level 2 na

INILAGAY na sa  alert level 2 ang Marikina River makaraang muling tumaas ang lebel ng tubig nito.

Ayon sa ulat,  umabot na ang lebel ng tubig nito sa 16 meters kaninang alas-10:00 ng umaga.

Nauna nang  pinatunog ang sirena sa Marikina River kaninang alas-8:00 ng umaga upang bigyang babala ang mga residente sa paligid ng ilog sa posibilidad ng paglikas.

Kaugnay nito, umabot na rin sa 18.5 meters ang lebel ng tubig na isang metro ang layo bago umapaw ang  San Mateo River.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply