Mark Barriga kalmado lang

ALAM ni Mark Barriga na manipis ang tsansa na makakuha ng kahit anong medalya sa nagaganap na 30th Summer Olympics sa London subalit kalmado lang ito at kumpiyansang malulusutan ang Kazakhstan pug Birzhan Zhakypov sa round-of-16 49kg. light flyweight.

Aakyat sa lona ngayong alas-8:45 ng gabi ang 19 anyos Barriga na walang problema sa kanyang timbang habang ang kanyang makakasapakan ay napabalitang lumagpas sa weight limit.

Ayon kay Barriga mas maganda ang kanyang kondisyon ngayon kumpara sa una niyang salang laban kay Manuel Cappai ng Italy.

Binugbog ng tubong Davao del Norte, Barriga ang matanggad na si Cappai sa score na 17-7 kaya alam na rin ng una kung paano tatalunin ang matangkad ding Kazakhstan boxer.

May taas na 5-foot-6 si Zhakypov habang si Barriga ay 5-foot lang subalit ang kanyang talino at bilis ang magiging sandata nito para mapalakas ang tsansa na makuha ang kauna-unahang medalya para sa bansa.

Mahina sa katawan ang mga European kaya naman sa katawan aatake si Barriga ayon kay coach Roel Velasco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply