Mark Herras tinatabangan na sa GF young actress

ALTHOUGH, naiintindihan naman daw niya ang trabaho ng boyfriend na si Mark Herras kung saan naging masyadong
abala ito sa mga show sa probinsiya para sa promo ng mga regional network ng GMA 7 roon, may himig na pagtatampo pa ring nararamdaman si Ynna kay Mark dahil noong kasagsagan ng walang patid na malakas na ulan dulot ng hanging Habagat, hindi man lang daw sila dinalaw ng aktor sa binahang bahay nila sa bandang Pasig.

Dineadma lang daw ng nobyong aktor ang mga text ni Ynna kung saan nanghihingi ito ng tulong sa kanya. Ang isa pa raw hinanakit ng nasabing Kapuso talent sa karelasyong dancer-actor, tuwing may hearing ang kanyang Mommy na si Nadia Montenegro sa mga kaso nito laban kay tita Annabelle Rama, ni minsan ay hindi man lang daw sila sinamahan nito sa pagpunta sa korte.

Kung ganon, iba pala ‘yung sinasabi ni Mark in print and on TV tuwing na-iinterview siya na concern na concern ang dating sa pamilya ng kasintahang young actress.

Hay naku! Ang bottomline riyan ay obvious na tinatabangan na si Papa Mark kay Ynna at baka nakakita na ito ng bagong girl na kanyang kinahuhumalingan sa ngayon.

Ang mga lalaki, majority sa kanila salawahan gyud!

***

Jessie Ejercito balik sa pagpo-produce ng pelikula dahil sa artistang si Meg Imperial

NAKITAAN ng malaking potential ni Jessie Ejercito si Meg Imperial na isa sa mga alaga ni Ms. Claire dela Fuente kaya naman para ma build-up ito nang husto ay nagbalik siyang sa pagpo-produce kung saan kanyang ilulunsad ang nasabing Kapatid star sa remake ng classic film na Menor de Edad na ginawa nila noong late 70s sa Seven Crown Pictures na pag-aari ni Ejercito.

Say pa ng comebacking producer, kailangan lang ni Meg ng malaking exposure at naniniwala siyang through Menor de Edad ay lilikha ng ingay at malaking pangalan sa showbiz ang magandang actress na malaki ang pagkakahawig kay Marian Rivera.

Mga magagaling na actors ang susuporta sa launching vehicle ni Meg na kinabibilangan nina Ara Mina, Wendell Ramos at marami pang iba. Bale ang Viva Films ang siyang magiging kasosyo ni Jessie sa project na ito.

Ang ilan sa mga natandaan naming arista noon ng movie outfit ni tito Jessie ay sina Amy Austria, Gina Alajar, Lorna Tolentino etc.

At kung ready na ba si Meg to do daring roles? Well, open na siya rito lalo pa’t quality film na maituturing ang pagbibidahang pelikula na kasalukuyang sinu-shoot na.

Propesyonal gyud!

***

The Reunion winner sa takilya!

MY BFFT (Best Friend Forever Talaga) Pete A and I would like to extend our congratulations to Star Cinema specially the Managing Director of Star Cinema Ma’am Malou Santos and our angels there Sir Roxy Liquigan and Sir Mico del Rosario.

Kaya namin sila binabati kasama na ang buong casts ng The Reunion, ang ultimate barkada movie event of the year, dahil aside sa B Rating ito sa Cinema Evaluation Board(CEB) ay winner na winner pa sa takilya ang nabanggit na movie na hanep sa ganda ang pagkakagawa ng director nito na si Frasco Mortiz.

Kaya, kung gusto nyo talagang ma-entertain, isama na ang buong pamilya, sweethearts, buong barkada and watch The Reunion na showing pa rin in over 100 theaters nationwide.

Selling like hotcake rin ang Official Soundtrac (OST) nito na tribute bale sa pinakasikat na bandang Eraserheads.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply