Martes, Miyerkules magiging maulan -PAGASA

HABANG tuyo na ang maraming lugar sa Luzon at ilan naman ay nananatili pa ring lubog sa baha, nakakasang magdulot ng kalat-kalat na pag-uulan ang gumigiring isang active low pressure area (ALPA) sa Pilipinas na may potensyal na maging ganap na bagyo at magdadala ng mga pagulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol at Visayas at Mindanao sa loob ng 24 oras.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na babalik na sa Metro Manila ang mga pagbuhos ng ulan sa Miyerkules.

“Nasa loob ito ng Philippine area of responsibility kahapon ng hapon. Dahil dito, inaasahan natin sa loob ng 24 oras makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang Bicol, Visayas at Mindanao,” pahayag ni PAGASA forecaster Glaiza Escollar.

Ang ALPA na aniya ay tinatayang nasa layong 900 km silangan ng Central Luzon ng alas 2 a.m., ay maaaring maging ganap na bagyo sa Lunes o sa Martes.

Kapag nangyari, tatawagin itong “Helen” at tulad ng Typhoon “Gener” ay palalakasin muli rin  nito ang epekto ng southwest monsoon o hanging Habagat.

“Taya natin, Lunes o Martes lalakas ito at maging ganap na bagyo,” pahayag ni Escollar.

Gayuman, natuwang sinabi ni Escollar na ang ALPA ay hindi tatama ng kalupaan sa anomang bahagi ng bansa.

Sa Metro Manila, sinabi ni Escollar na ang lkagya ng panahon dito ay maaliwalas hanggang sa Martes.

“Sa Miyerkules, makakaranas ng pag-ulan sa Metro Manila,” pahayag nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply